Ang
kalusugan ay ang pagkawala ng sakit o karamdaman. Ang isang taong walang sakit
ay mayroong mabuting kalusugan. Ngunit hindi ito sapat na kahulugan ng
kalusugan dahil ayon sa World Health Organization o WHO, ang kalusugan ay ang
isang estado ng pagiging masigla ang isip, katawan, at pakikitungo sa iba.
Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan, o iba pang karamdaman.
Ang kalusugan ay karapatan ng lahat
ng tao sa mundo, maging mayaman man o mahirap. Walang pinipiling edad,
kasarian, paniniwala o relihiyon ang pagkakaroon ng karapatan sa kalusugan. Ito
ay isa ring responsibilidad sa ating sarili at sa ating kapwa – tao.
Sa madaling salita, ang kalusugan
ay para sa lahat at ito ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat nating
tinatamasa sapagkat ito ay isang kayamanan.
Sa pagmumunimuni ng pangkat namin, aming napagtanto na ang kalagayan ng kalusugan sa ating bansa ay hindi maganda sapagkat maraming mamamayan pa rin ang hindi nakakatanggap ng mataas na kalidad ng tulong pangkalusugan.
Kaugnay nito, nangalap kami ng impormasyon ukol sa suliraning pangkalusugan sa bansa. Nakipanayam kami sa isang Provincial DOH Officer na siyang nagpaliwanag sa lagay ng isang ospital na itatago natin sa pangalang “Hospital X”.

"Hospital X" hallway |
Ayon sa
Provincial Department of Health (DOH) Officer na ito, ang isang problema sa
sangay ng kalusugan ay nagdudulot ng mas maraming problema. Ang halimbawa nito
ay ang sobrang dami ng pagpasok ng pasyente. Dahil nga hindi mura ang
magpagamot sa mga pribadong pagamutan, lagpas kalahati ng ating populasyon ang
pinipiling magpagamot sa mga pampublikong ospital. Kungsaa'y nagreresulta sa
kakulangan ng pasilidad at kagamitan gaya ng gamot at kakulangan sa mga tauhan.
Bunga ng mga kakulangan na ito, mas malaking problema ang dumarating gaya ng paglalabas ng pera mula sa sariling bulsa ng pasyente kahit na libre naman ang pagpapagamot sa mga pampublikong pagamutan. Ayon sa DOH officer, hindi maiiwasan ang pagkaubos ng gamot sapagkat hindi sapat ang dumadating na pondo para sa gamot dahil sa sobrang dami ng pasyente. Binanggit din niya ang kakulangan sa pasilidad gaya ng mga kwarto at mga hospital bed kung kaya’t napipilitan ang mga namamahala sa pagamutan na ipwesto ang mga pasyente sa mga pasilyo at pahigain sa mga folding bed. Ipinaliwanag din niya na dahil nga sa sobrang dami ng pasyente, nagkukulang ang mga pagamutan sa tauhan. Kung kaya’t ang kalidad ng serbisyo at pag – aalaga sa mga pasyente ay naapektuhan na siya ring magreresulta sa pagiging masungit ng mga tauhan ng pagamutan.

"Hospital X" hallway tuwing maraming pasyente |
|
|
"Hospital X" kwarto ng pasyente |
Isa rin sa
tinukoy na problema ng Provincial DOH Officer na aming nakausap ang kapaligiran
ng “Hospital X”. Ang “Hospital X” ay madalas na bahain sa tuwing nagkakaroon ng
malakas na pag – ulan dahil nga ang lugar na kinatitirikan ng pagamutang ito ay
catch basin ng Nueva Ecija at Pampanga.
Malaking problema ito para sa isang pagamutan dahil nahihirapan ang mga pasyente at mga tauhan ng pagamutan na makapasok at makarating sa ospital. Kinakailangan pa nilang gumamit ng mga bangka at mga stretcher upang madala ang pasyente o maihatid ang tauhan sa ospital. Malaking problema ito para sa mga pasyente lalong lalo na sa mga kasong kinakailangan ng agarang gamot dahil matatagalan pa sila upang makarating sa ospital.
Pag baha sa harap ng "Hospital X" dulot ng malakas ng ulan |
Malaking problema ito para sa isang pagamutan dahil nahihirapan ang mga pasyente at mga tauhan ng pagamutan na makapasok at makarating sa ospital. Kinakailangan pa nilang gumamit ng mga bangka at mga stretcher upang madala ang pasyente o maihatid ang tauhan sa ospital. Malaking problema ito para sa mga pasyente lalong lalo na sa mga kasong kinakailangan ng agarang gamot dahil matatagalan pa sila upang makarating sa ospital.
Sa kabila nito, nabanggit ng
officer na ang DOH ay mayroong mga programa gaya ng Health Facility
Enhancement Program na naglalayong ayusin ang mga pasilidad ng mga pampublikong
pagamutan at Equipment Augmentation na siya namang naglalayon na magbigay ng
mga kagamitang makakaganda sa kalidad ng serbisyo at panggagamot sa mga
pampublikong ospital.
-BAUTISTA
-BAUTISTA