Kalusugan, tunay ngang ito ay ating kayamanan at maayos na pag-aalaga rito'y makabubuhay sa atin, ngunit dahil sa hindi tamang pagtugon dito'y bumababa ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa ating bansa.
Kung susuriing mabuti, hindi nabibigyan ng mataas na kalidad ng serbisyo ang bawat pasyente maging sa mga pampublikong ospital o sa mga institusyong pangkalusugan dulot ng kakulangan sa pasilidad. Gaya na lamang sa "Hospital X", na ayon sa provincial DOH officer nito'y ang ospital ay may kakulangan sa pasilidad (gaya ng gamot, tauhan, kagamitan gaya ng mga hospital beds at kwarto) at kakulangan sa pondo, pangkalap ng mga medisina at pangpaayos sa istraktura ng ospital dahil ito ay binabaha tuwing may malakas na bagyo na siyang nakapagdudulot ng mababang kalidad na serbisyo lalo't para sa mga pasyenteng kailangan ang mabilis na pagtugon sa karamdaman. Ngunit, hindi lang dito ang pangunahing pinagmumulan ng problema, maaari rin ito'y magmula sa estatus sa lipunan kungsaa'y hirap makatugon ng sapat na kalusugan ang mahihirap kung ikukumpara sa mayayaman.
Bunga ng mga ganitong pagkakataon o pangyayari ang nagbibigay-daan upang maisulong ang mga institutusyong pangkalusugan gaya ng Silungan Pag-asa at Guanella Center, inc. na siya naman tumutugon sa kakulangan ng serbisyong naibibigay mula sa mga pampublikong ospital, ngunit, maging dito'y may nangyayari pa ring kakulangan sa pondo nila kungkaya't hindi ganoong karaming pasyente ang natutulungan.
Ating isipin din, nang dahil sa kakulangan ng pasilidad, pondo at hindi maayos na istraktura ng ating takbuhan para sa kalusugan, na imbis tayo'y maibsan ng problema'y tila nadagdagan pa ito at hindi nalang din nakatutulong sa atin. Ngunit, saan nga ba nagmumula ang mga problemang ito ng mga mamamayang may pangangailangang pangkalusugan? Hindi ba't bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas ay prayoridad dapat ng bawat isa ang pagkakaroon ng maayos at mabisang serbisyo ng kalusugan, hindi lamang ang may mga pera ang dapat makinabang sa benepisyong ito dito dahil tayong lahat ay may karapatang mabuhay na nararapat lamang masubaybayan ang estado ng kalusugan.
Samakatuwid, nais lamang ng blog na itong ipakita ang mga natatamasang kakulangan sa serbisyo ng mga pasyente sa mga pampublikong ospital at maging sa mga institusyong pangkalusugan na hindi naman dapat at siyang patuloy na lumalaganap sa buong bansa.
-BRUCAL