Ang Kalusugan ay Kayamanan

Ang kalusugan ay ang pagkawala ng sakit o karamdaman. Ang isang taong walang sakit ay mayroong mabuting kalusugan. Ngunit hindi ito sapat na kahulugan ng kalusugan dahil ayon sa World Health Organization o WHO, ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging masigla ang isip, katawan, at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan, o iba pang karamdaman.

Ang kalusugan ay karapatan ng lahat ng tao sa mundo, maging mayaman man o mahirap. Walang pinipiling edad, kasarian, paniniwala o relihiyon ang pagkakaroon ng karapatan sa kalusugan. Ito ay isa ring responsibilidad sa ating sarili at sa ating kapwa – tao.

Sa madaling salita, ang kalusugan ay para sa lahat at ito ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat nating tinatamasa sapagkat ito ay isang kayamanan.

Sa pagmumunimuni ng pangkat namin, aming napagtanto na ang kalagayan ng kalusugan sa ating bansa ay hindi maganda sapagkat maraming mamamayan pa rin ang hindi nakakatanggap ng mataas na kalidad ng tulong pangkalusugan.

Kaugnay nito, nangalap kami ng impormasyon ukol sa suliraning pangkalusugan sa bansa. Nakipanayam kami sa isang Provincial DOH Officer na siyang nagpaliwanag sa lagay ng isang ospital na itatago natin sa pangalang “Hospital X”.



"Hospital X" hallway
"Hospital X" hallway





Ayon sa Provincial Department of Health (DOH) Officer na ito, ang isang problema sa sangay ng kalusugan ay nagdudulot ng mas maraming problema. Ang halimbawa nito ay ang sobrang dami ng pagpasok ng pasyente. Dahil nga hindi mura ang magpagamot sa mga pribadong pagamutan, lagpas kalahati ng ating populasyon ang pinipiling magpagamot sa mga pampublikong ospital. Kungsaa'y nagreresulta sa kakulangan ng pasilidad at kagamitan gaya ng gamot at kakulangan sa mga tauhan

Bunga ng mga kakulangan na ito, mas malaking problema ang dumarating gaya ng paglalabas ng pera mula sa sariling bulsa ng pasyente kahit na libre naman ang pagpapagamot sa mga pampublikong pagamutan. Ayon sa DOH officer, hindi maiiwasan ang pagkaubos ng gamot sapagkat hindi sapat ang dumadating na pondo para sa gamot dahil sa sobrang dami ng pasyente. Binanggit din niya ang kakulangan sa pasilidad gaya ng mga kwarto at mga hospital bed kung kaya’t napipilitan ang mga namamahala sa pagamutan na ipwesto ang mga pasyente sa  mga pasilyo at pahigain sa mga folding bed. Ipinaliwanag din niya na dahil nga sa sobrang dami ng pasyente, nagkukulang ang mga pagamutan sa tauhan. Kung kaya’t ang kalidad ng serbisyo at pag – aalaga sa mga pasyente ay naapektuhan na siya ring magreresulta sa pagiging masungit ng mga tauhan ng pagamutan.



"Hospital X" hallway tuwing maraming pasyente

"Hospital X" hallway
tuwing maraming pasyente 



"Hospital X" kwarto ng pasyente
"Hospital X" kwarto ng pasyente



 






Isa rin sa tinukoy na problema ng Provincial DOH Officer na aming nakausap ang kapaligiran ng “Hospital X”. Ang “Hospital X” ay madalas na bahain sa tuwing nagkakaroon ng malakas na pag – ulan dahil nga ang lugar na kinatitirikan ng pagamutang ito ay catch basin ng Nueva Ecija at Pampanga.


Pag baha sa harap ng "Hospital X"
dulot ng malakas ng ulan



Malaking problema ito para sa isang pagamutan dahil nahihirapan ang mga pasyente at mga tauhan ng pagamutan na makapasok at makarating sa ospital. Kinakailangan pa nilang gumamit ng mga bangka at mga stretcher upang madala ang pasyente o maihatid ang tauhan sa ospital. Malaking problema ito para sa mga pasyente lalong lalo na sa mga kasong kinakailangan ng agarang gamot dahil matatagalan pa sila upang makarating sa ospital.


Pamamangka papunta at paalis sa
"Hospital X" dulot ng pag baha


Sa kabila nito, nabanggit ng officer na ang DOH ay mayroong mga programa gaya ng Health Facility Enhancement Program na naglalayong ayusin ang mga pasilidad ng mga pampublikong pagamutan at Equipment Augmentation na siya namang naglalayon na magbigay ng mga kagamitang makakaganda sa kalidad ng serbisyo at panggagamot sa mga pampublikong ospital.




-BAUTISTA




Isang Sitwasyong Kaugnay sa Kakulangang Pangkalusugan

Isang halimbawa patungkol sa kakulangan ng pasilidad sa mga ospital ay ayon sa nadanasan nina Pastor Jun at ng kanyang asawa na si Dra. Au mula sa Silungan ng Pag-asa, isang silungan para sa mga pasyenteng mayroong kanser. 


Silungan ng Pag-asa logo
                       

Sa kanilang nakita noon sa sobrang kakulangan ng mga kwarto at kagamitan sa PGH o Philippine General Hospital, natutulog na lamang ang mga pasyente sa gilid ng ospital marahil wala silang sapat na pera para sila’y makakuha ng probadong kwarto at sila pa ay galing sa ibang dako ng Pilipinas. Mayroong pasyente mula sa Visayas, Mindanao, at mula sa iba’t ibang probinsya sa Luzon. 

Mga pasyente sa Silungan ng Pag-asa
mula sa tatlong pulo

Mabuti na lamang ay kusa na silang kumilos upang kahit papaano’y maibsan ang kanilang mabigat na damdamin. Sa kasalukuyang panahon, kumukuha ang silungan mula sa kaibigan nilang dayuhan. Masarap isipin na kahit mga dayuhan ay may kagustuhang tumulong sa ating mga mamamayan, pero sa ganitong sitwasyon mapapaisip na lamang ang mga tao, “nasaan ang tulong ng gobyerno?” Ayon sa balita mula sa Rappler, sa darating na 2019 magkakaroon ng budget- cut sa mga institusyon, at mabigat na maaapektuhan ay ang Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH). Nang marahil sa budget- cut na ito, maaantala ang Health Facilities Enhancement Program (HFEP) na kung saan walang magagawang pangkalusugang pasilidad.

Batang pasyente sa Silungan ng
Pag-asa
Mga tauhan sa Silungan ng Pag-asa


-BELGIRA




Tulad ng Silungan ng Pag-asa, ang Guanella Center, Inc. ay isang institusyon na tumatanggap ng mga taong may kapansanan at ginagabayan sila upang mapabuti ang kanilang pamamaraan ng pamumuhay. Ang mga gumagabay naman sa institusyong ito ay ang Servants of Charity, mga misyonerong galing sa Italya.



Guanella Center, Inc. signage


Ang institusyon na ito ay nagsimula sa kadahilanang kulang ang mga institusyon na nagbibigay ng pangunahing pangangailagan sa mga taong may kapansanan, sila rin ay aktibong naghahanap ng mga matutulungan upang maiparamdam sakanila na sila ay may kinabibilangang lipunan at hindi lamang outcast. Ginagawa nila ito sa pamamaraan ng pag-aalok ng physical therapy at training. Sa kasalukuyan may dalawampung PWD ang naninirahan sa institusyong ito.


  • Guanella Center Inc.


Dumedepende ang institusyon sa donasyon at bolunterismo kung kaya't sila ay nahihirapan din sa pinansyal na aspeto. Sa kasalukuyan, ang mga programang nakaakibat sa PWD's ay hindi sapat na napopondohan kung kaya nama'y may kakulangan sa mga pasilidad at institusyon na nangagalaga sa mga PWD.



-CATINGCO

Dagdag na Pananaliksik

Ang iba pang pananaliksik na aming ginawa ay ang pagkalap ng mga artikulo at datos na magbibigay suporta sa aming mga nakuhang sagot mula sa aming pakikipanayam. Bilang pangunahing pangangailangan ng tao, ang kalusugan ay dapat bigyan ng higit na pansin. Ayon sa resulta ng ginawang survey ng Pulse Asia,  63% ng mga Pilipino ang intinuturing na pangunahing pangangailangan ang kanilang kalusugan. Gayunpaman, ang sistemang pangkalusugan sa Pilipinas ay hindi gaanong nabibigyang importansiya. Ayon sa Department of Health, noong 2009 ay may kabuuang 94,199 hospital bed ang Pilipinas; ito ay 1.04 na kama sa bawat isang libong Pilipino. Ito ay mababa kung ikukumpara sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na 20 hospital bed sa bawat 10,000 ng populasyon. Mula sa mga datos na ito, makikita agad na talagang kulang ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng isang ospital at iyon ang hospital beds.

Mula naman sa dokumentaryong, "Lunas na 'Di Maabot" ng Reporter's Notebook, tinalakay dito ang kakulangan sa mga gamot at tauhan ng isang barangay health station na nagsisilbi ding pagamutan para sa tatlo pang barangay. Sa dokumentaryong ito, ipinakita ang istorya ng ina ni Marvin na si Marietta. Dalawang taon nang tinitiis ng kanyang ina ang bukol sa dibidib nito. Bawat sentimong kanilang kinikita ay mahalaga kaya naman ay dahil kapos, hindi nakapagpasuri agad si Marietta sa isang doktor. Ngunit sa tulong ng kanilang lokal na pamahalaan, matagumpay na natanggal ang bukol sa kanyang dibdib. Gayunpaman, kailangan niya ng gamot upang tuluyang gumaling. Subalit, ang kanilang inaasahang tulong mula sa kanilang barangay health center ay hindi naibigay. Kulang ang mga gamot at wala ring permanenteng midwife sa kanilang lugar. Dahil dito, makikita na hindi desentralisado ang mga institusyon para sa pag gagamot dahil hindi sapat ang mga health centers sa bawat barangay sa buong Pilipinas. "Ika nga, "Ang unang takbuhan ng mga residenteng may karamdaman ay malubha rin ang kalagayan."



Hindi lang sa mga health center ang may kakulangan sa tauhan ngunit katulad sa mga nakuhang sagot mula sa panayam, ang mga doktor, nars, at iba pang nasa medikal na propesyon ay kulang ayon rin kay Sen. Sonny Angara. Base sa tala ng Philippine College of Physicians, dalawa hanggang tatlong doktor, nars, at midwives ang nagsisilbi para sa bawat 10,000 katao. Tulad sa isyu ukol sa hospital beds, malayo ito sa rekomendasyon ng WHO na dapat ay hindi bababa sa 23 na medikal na propesyonal ang nakalaan para sa sampung libo na ito.  Nakakabahala rin na ang Pilipinas ay mayroong 1:50,000 na ratio ng psychiatrist at populasyon. Dahil dito, ang panukala na Senate Bill 1157 o ang panukalang medical scholarship program ay kinakailangan ng agarang pagpasa ayon kay Angara. Hindi lamang ito makatutulong sa mga mahihirap na nais na makapag aral ngunit maaari rin itong solusyon sa kakulangan sa tauhan.



Makikita na hindi lamang sa Hospital X ang mayroong kakulangan sa pasilidad, gamot, at tauhan dahil makikita na ayon rin sa aming nakalap, laganap ang problemang ito sa buong Pilipinas kaya't dapat ay mabigyan na agad ito ng solusyon.


-BRINGUELO





Kabuuang Suliraning Pangkalusugan

Kalusugan, tunay ngang ito ay ating kayamanan at maayos na pag-aalaga rito'y makabubuhay sa atin, ngunit dahil sa hindi tamang pagtugon dito'y bumababa ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa ating bansa


Kung susuriing mabuti, hindi nabibigyan ng mataas na kalidad ng serbisyo ang bawat pasyente maging sa mga pampublikong ospital o sa mga institusyong pangkalusugan dulot ng kakulangan sa pasilidad. Gaya na lamang sa "Hospital X",  na ayon sa provincial DOH officer nito'y ang ospital ay may kakulangan sa pasilidad (gaya ng gamot, tauhan, kagamitan gaya ng mga hospital beds at kwarto) at kakulangan sa pondo, pangkalap ng mga medisina at pangpaayos sa istraktura ng ospital dahil ito ay binabaha tuwing may malakas na bagyo na siyang nakapagdudulot ng mababang kalidad na serbisyo lalo't para sa mga pasyenteng kailangan ang mabilis na pagtugon sa karamdaman. Ngunit, hindi lang dito ang pangunahing pinagmumulan ng problema, maaari rin ito'y magmula sa estatus sa lipunan kungsaa'y hirap makatugon ng sapat na kalusugan ang mahihirap kung ikukumpara sa mayayaman.


Bunga ng mga ganitong pagkakataon o pangyayari ang nagbibigay-daan upang maisulong ang mga institutusyong pangkalusugan gaya ng Silungan Pag-asa at Guanella Center, inc. na siya naman tumutugon sa kakulangan ng serbisyong naibibigay mula sa mga pampublikong ospital, ngunit, maging dito'y may nangyayari pa ring kakulangan sa pondo nila kungkaya't hindi ganoong karaming pasyente ang natutulungan.


Ating isipin din, nang dahil sa kakulangan ng pasilidad, pondo at hindi maayos na istraktura ng ating takbuhan para sa kalusugan, na imbis tayo'y maibsan ng problema'y tila nadagdagan pa ito at hindi nalang din nakatutulong sa atin. Ngunit, saan nga ba nagmumula ang mga problemang ito ng mga mamamayang may pangangailangang pangkalusugan? Hindi ba't bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas ay prayoridad dapat ng bawat isa ang pagkakaroon ng maayos at mabisang serbisyo ng kalusugan, hindi lamang ang may mga pera ang dapat makinabang sa benepisyong ito dito dahil tayong lahat ay may karapatang mabuhay na nararapat lamang masubaybayan ang estado ng kalusugan.


Samakatuwid, nais lamang ng blog na itong ipakita ang mga natatamasang kakulangan sa serbisyo ng mga pasyente sa mga pampublikong ospital at maging sa mga institusyong pangkalusugan na hindi naman dapat at siyang patuloy na lumalaganap sa buong bansa. 



-BRUCAL



  






Ang Kalusugan ay Kayamanan

Ang kalusugan ay ang pagkawala ng sakit o karamdaman. Ang isang taong walang sakit ay mayroong mabuting kalusugan. Ngunit hindi ito sapat ...